Tumanggap ng Taboan Lifetime Award si Leoncio P. Deriada at
ng Taboan Literary Award sina Maria Luisa S. Defante-Gibraltar at Alice Tan
Gonzales sa isang pormal na gabi ng parangal noong ika-9 ng Pebrero na
highlight ng Taboan 2013: The Fifth Philippine Writers Festival sa Lungsod
Dumaguete.
Ang Taboan
ay ang taunang writers festival ng Comittee on Literary Arts ng National
Commission for Culture and the Arts. Ang “Taboan” ay isang Bisayang salita na
ibig sabihin ay araw ng palengke o palitan, o ng isang lugar mismo kung saan
nagtatagpo-tagpo ang mga tao upang mangalakal. Ang Taboan Award ay bilang
papugay sa mga manunulat na malaki ang kontribusyon sa Literatura ng Filipinas.
Ginanap ang
Taboan 2013 noong Pebrero 7-9 sa Bethel Guest House, Colegio de Sta. Catalina
de Alexandra, Foundation University, Negros Oriental State University, St. Paul
University Dumaguete, at Silliman University. Ang festival director ngayong
taon ay si Christine F. Godinez-Ortega.
Kasama ni
Deriada na nabigyan ng lifetime achievement award ay sina Cirilo F. Bautista,
Isagani R. Cruz, Resil B. Mojares, at Elmer A. OrdoƱez. Kasama naman nina
Defante-Gibraltar at Tan Gonzales na tumanggap ng literary award ay sina Cesar
Ruiz Aquino, Poalo Maria Diosdado G. Casurao, Erma M. Cuizon, Lamberto G.
Ceballos, Marjorie Evasco, Ernesto D. Lariosa, Rosario Cruz-Lucero, at Victorio
N. Sugbo. Ang mga manunulat sa Hiligaynon na unang tumanggap ng Taboan Literary
Awards noong 2010 sa Lungsod Cebu ay sina Magdalena G. Jalandoni at Deriada.
Kabilang sa
mga opisyal ng delegado sa Taboan 2013 ang mga manunulat sa Hiligaynon na sina
Norman T. Darap, Gil S. Montinola, at Reynaldo A. Villanoy, Jr. (J. I. E.
Teodoro, literaturanghiligaynon.blogspot.com)